Saturday, January 26, 2013

Signs for Love



 









  Sabi nila, Masarap daw ang magmahal. May ilan ding nagsasabi na masakit at mahirap. Yung iba naman, Cloud nine daw ang feeling. People can see love in different means, It differs in the way that how does love affects an individual. Happy endings, Tragic or dramatic ones are the reasons why we, people, are making the true meaning of love.


  Marami ang nagbibigay ng iba't ibang meaning ng love.



Sabi nila, Love is Blind daw. But, how can love be blind if we are still attracted sa mga goodlooking na tao? Gwapo,Maganda,Macho at Sexy. Bakit kailangan pa nating maghanap ng mga magagandang physical attributes galing sa kanila?


Sabi din naman ng iba, Love can make one's heartbeat skip a beat. Kung totoo man yan, Maraming tao na siguro ang namatay at nagsisiksikan sa mga emergency room ng mga hospital. Marami na rin siguro ang namatay dahil sa love.


Sabi nila, Love is all that Matters, Ito talaga yung pinaka nakakaloko sa lahat. Love is all that matters. ang sarap sarap pakinggan. Kung totoo man to, bakit may mga taong tutal sa isang relasyon kung saan medyo magkalayo na ang edad ng dalawang taong nagmamahalan? Bakit may mga taong nandidiri sa mga relasyon ng mga gwapo at pangit, at Maganda at pangit?


Ako? Isa lang naman ang definition ko sa love eh. LOVE IS A SISTER OF HURT AND PAIN. BUT WE SHOULD ALWAYS REMEMBER THAT LOVE IS A TWIN OF HAPPINESS. Sa isang laro na kung tawagin nilang pag ibig, hindi mawawala ang sakit na maari mong maramdaman. Mahirap isipin na kailangan mong isugal at ipagka tiwala mo ang puso mo upang malaman mo na ang taong pinag bigyan mo nito ay siya na ngang matagal mo ng hinahanap o hinihintay. Masaktan ka man at mahirapan, there's still a chance na magkaroon ka ng isang happy ending sa iyong ever after diba? At yun ang isa sa pinaka masayang moment ng buhay mo na hinding hindi mo makakalimutan. At doon mo masasabing, love is HAPPINESS.




Ako si Angelica Custodio and this is my story.




Ako si Angelica Bautista Custodio, you can call me Angelica, Angge, Angel but i prefer Joyce. Walang pakielamanan mg nickname..! ehh yan binigay sa akin ng maganda kong nanay eh, wala kang magagawa. I'm 15 years old going 16 na rin, i'm currently studying sa isang prestihiyosong paaralan sa maynila.Ayoko naman na masabihan na mayabang pero ganito nalang, sasabihin ko sa inyo yung mga physical attributes ko ayon sa ibang tao. Maputi daw ako, Long straight hair, nasa 5 feet ang height, hindi naman bote ng coke ang katawan pero ulam na rin. sabi nila pango daw ako. pero i do believe that, cute ang mga pango..! Yaaay..! Haha, enough for that. I think we should go to my story now.



Nagsimula ang storya ko noong pumasok ako sa paaralan kung saan ako ngayon pumapasok. Wala pa talaga akong kilala nun kasi nag transfer lang ako for the business purposes ng magulang ko sa manila, Nakakahiya nga eh kasi kalagitnaan na rin ng 1 quarter ng lumipat ako. Friendly naman ang mga tao sa napasukan kong school laong lalo na yung mga classmates ko pero isa lang talaga sa kanila ang nakakuha ng atensyon ko. si Joshua Miguel Vega. ewan ko ba, pag pasok ko nung room namin nung araw na yun eh, para bang siya lang kaagad yung nakita ko. Pinaupo ako ng teacher namin sa tabi niya kasi sa tabi niya lang may emty seat. Pag upo ko sa tabi niya, i was captivated by his precious smile. oo..! nginitian niya ako..! kung nakamamatay lang ang kilig siguro matagal na akong tepok..! habang nag lelesson si maam, hindi ko maiwasan ang mapatitig sa mukha niya. medyo long haired siya, maninipis at magaganda ang kilay, ang hahaba rin ng pilikmata niya, naka eyelashes yata to eh, his nose was like sculpted by michael angelo and bernini, it was like a perfect one. tapos unti-unting bumaba yung tingin ko sa labi niya,


*Gulp*


kulay pink, kissable lips siya..! parang ang sarap sarap niyang halik--


WAIT..! first day ko sa school namin tapos ganito?? lalandi agad ako? baka sabihin naman nila flirt ako..! Erase erase erase..!



Siguro napansin niya rin na nakatitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin tapos nagsalit siya.


''Oh, hinay-hinay lang, may hukas pa naman, sige ka baka matunaw ako tapos di mo na ako makita bukas. (^_____<)v''


Hiyang hiya ako sa sinabi niya nun, parang binuhusan ng pulang pintura yung mukha ko cause i can feel both of my cheeks we're like burning. Kaya siguro hindi na rin ako tumitig sa kanya simula nung mga oras na yun. Dahil na rin dun siguro kaya wala akong naintindihan sa lesson namin sa trigo. Kasi pag nagsusulat siya may time na nadidikit yung braso niya sa akin, kahit na hindi naman intentionally yun parang nakukuryente ako (+_______+)




After several Hours dumating na rin yung vacant period namin. Dahil bago pa lang ako sa school lumabas na agad ako sa room then i looked for the canteen. Hindi naman na soya mahirap hanapin kasi marami naman akong natanungan. So, ayun nag order na rin ako ng pagkain ko tapos nagpunta ako sa pinaka dulong table. Loner ako ehh XD Habang kumakain ako ng spag, may bigla nalang may nagsalita sa harap ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko..! Yung lalaking gwapo na super papable na nakatabi ko kanina sa room nasa harap ko..! (*    0    *)


"Ano ahh, kasi wala ng ibang available  na seats eh, would you mind if i join you?" tanong niya sa akin.


OHEMGEE..! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..! makakatabi ko siya (>______<)

"A-ahh S-sure He-he-he" Ewan ko ba kung bakit parang nalunok ko rin sarili kong dila dahil sa mga pangyayari!!



Pinagmamasdan ko siya ng palihim pag kumakain na siya, i'm still captivated by his charisma..! Ang gwapo niya talaga. Then out of nowhere bogla nalang siyang nag smile sa akin. (^_______^)v nahuli niya yata na naman ako..!


(>///////<) nakakahiya..!



''Uhhhmm pwede bang paki abot naman yung pepper diyan? ang layo kasi ehh.."

"Ahh..! S-sige."  tapos ayun nung inabot ko na yung pepper bottle sa kanya at nagkaroon ng skin contact parang bigla na naman akong nakuryente..! Shemaaay..! (>___<) Kaso hindi niya yata mabuksan yung paminta kayang pinwersa niya yung pagbukas kaya tumapon yung paminta sa lalagyan tapos nalagyan yung mata niya..!!


(O______O)


''Ahh..! Ouch..! ang hapdi shit..!" sigaw niya yan habang nasa loob ng canteen..


Hindi ko alam yung gagawin ko kaya bigla ko nalang siyang hinila papunta sa C.R.  pumasok kami sa loob ng men's cr tapos binuksan ko yung gripo tapos hinilamusan ko siya ng hinilamusan hanggang sa guminhawa yung pakiramdam niya. Kahit na humahawak ako ng tubig ehh parang napapso pa rin ako pag nadidikit ako sa kanya.!!!



"Ahh, O-okay ka n-na ba??" tanong ko sa kanya


nagpunas na muna siya ng mukha gamit yung panyo niya. Medyo namumula pa rin yung mata niya pero mas okay naman na siya kesa sa kanina.


"Thank you nga pala.. Ano, ahh ano ulit name mo?" tanong niya sakin



"A-angelica. Wala yun don't mention it." Sabi ko sa kanya. Para akong nakikipaghabulan sa sobarang bilis ng tibok ng puso ko..!


''Ayy naku..! ang laki kaya ng natulong mo..! Baka kung hindi dahil sayo bulag na ako, teka nakakabulag pa yung paminta? Haha nevermind. I'm Joshua Miguel Vega, JM for short (^_______<)"




 Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ang cute cute niya talaga..! Lord pwede niyo na po akong kunin.!! Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..!! Di joke lang XD











Months have passed mas lalo kaming nagong close ni JM sa isa't isa lagi rin kaming magka group ni JM pagdating sa iba't ibang mga activities. Febuary na nga pala ngayon at 14 pa..! yes..! valentines..! pero loner ako..! Yeah loner. walang date..! Papasok na ako ng school namin ng maisipan ko sa harapan nalang ng gym dumaan, habang naglalakad ako, hindi ko napansin na may bato pala sa dinadaanan ko kaya natalisod ako ang ending?? Planking..!



"OUCH,,,! sino ba kasing naglagay ng lecheng batong to sa daanan??!!"  singhal ko pero alam ko naman na walang sasagot sa tanong ko kaya naman tumayo nalang ako ulit pero nagulat nalang ako ng biglang may batang sumulpot sa harap ko tapos Inabutan ako ng tatlong piece ng red rose na may ribbon..


"Ate, pasensya na po pero napag utusan lang ako."

"Huh?? Teka..! sinong may bigay nito?? Bata..!  WAIT..!'' Bigla nalang tumakbo yung bata ng pagka bilis bilis kaya hindi ko siya naabutan. Pumasok naang ako sa loob ng school tapos may iba't ibang booths dun, ewan ko ba kung bakit pero parang nahila yung sarili ok papunta sa dedication booth. yung magssusulat ka sa sticky note tapos babasahin nila yun gamit yung mic para marinig yung message mo para sa taong pinag dedicatan mo. Nung ako na yung nasa pila nagsulat nalang ako ng letter para kay JM, hindi naman niya malalaman diba?? So ayun na nga, pero In my surprise nakita ko si JM na nasa likod ng taong nasa likod ko.! (gets mo?) tapos nakita niya na inabot ko yung papel dun sa magbabasa gusto ko pa sanang kunin yung papel kaso it's too late na rin kasi binabasa na niya


"This letter is from someone who really admires Joshua Miguel Vega of Fourth year section 2. So, ito na po yung message. JM, First time palang kitang nakita noong araw na yun, ewan ko ba kung bakita parang tinamaan na kaagad ako sayo..! Aanhin ko pa ang baril,Dorga at alak kung sayo palang sobra sobara at hindi ko na makayanan ang lakas ng impact mo sa akin. To be honest, tuwing magkakaroon tayo ng skin contact ehh parang gustong gusto ko nang mamatay Haha funny right? but kidding aside, Ang saya saya ko pag nakikita kita. Buo na ang araw ko makita ko lang ang walang katulad mong mga ngiti. Ang sarap sarap isipin na sa simpleng mga kilos mo lang, hindi mo alam na may tao ka nang napapasaya. Lagi kitang pinagmamasdan ng palihim kaya natutuwa ako pag nakikita kitang tumatawa, nakaka adik pakinggan yung mga tawa mo..! Masama ka sa kalusugan..! Nakakaadik ka..! pero okay lang na maadik at malulong ako..! makulong lang ako sa puso mo..! Sa totoo lang nga gusto kong ituwid ang landas mo ehh..! para sa akin ka didiretso..! (^_____^). Ano, JM hindi naman ganun kalakihan yung kamay mo diba?? pero paano mo nahahawakan yung mundo ko? Haha pwede mo na akong bansagang corny, wala akong paki basta alam ko, gustong gusto kita, maybe it's not yet the right time para makilala mo ako pero sana magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa iyo lahat ng ito harap harapan. From Miss Anonymous."


 pagkatapos na pagkatapos basahin yun, biglang umingay yung school. Napuno ng tilian ang buong lugar. ganoon ba ako ka keso?? Ahh..! wala akong paki..! ang dapat intindihin ko ngayon eh si JM..! ngayon alam na niyang may gusto ako sa kanya..! Baka layuan niya ako >_____< Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko alam yung gagawin ko kaya naman nilagpasan ko nalang siya habang nakayuko ako tapos nagpunta ako sa mga bleachers.



"Uhmm hi Angekica.! (^______^)"


"(O////O) Ahh..! J-jm H-hello."


"Mukhang nakakaram ka na agad ahh? (^_______^)" Tinignan niya yung kamay ko na may hawak na rose. yung tatlong pirasong bigay nung bata kanina.


"Ahh, Hehe"  yun na lang yung nasagot ko kasi nahihiya pa rin talaga ako ehh.


Umupo si JM sa tabi ko tapos nagsalita siya


"Hindi ba mas maganda kung ikaw na mismo yung magsasalita at magsasabi sa akin nun?" tanong niya sa akin


Sobrang nahihiya na talaga ako..!


"Ahh a-ano sorry. Hindi ko talaga alam kanina na nandun ka ehh"  sabi ko


"So, you mean na apg nakita mo akong nandun hindi mo gagawin yun?? paano ko malalaman?" tanong niya sa akin


"Ahh, hindi naman sa ganun, siguro hindi ko lang siguro kaya pang sabihin ng harapan sayo, na baka hindi mo naman ako gusto."


"Ehh, paano kung gusto rin kita?"


(O_____O)


"A-ano ulit yun?"


"Sabi ko paano kung gusto rin kita?"



 Hindi nalang ako umimik kasi hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.


"Akala ko dati, itng nararamdaman ko ay one-sided lang kaya nahirapan ako. Hindi ko alam kung paano ko ba ipagtatapat sayo tong feelings ko kasi ewan..! natotorpe ako pag nasa tabi na kita. Natatakot akong gumawa ng move baka kasi mailang ka rin sa akin tapos lumayo ka. kaya nanatili nalang ako sa tabi mo. binabantay kita kahit saan ka magpunta at naiinis ako pag may ibang lalaking lumalapit sayo, pero wala naman akong magagawa dun ehh. wala naman tayong commitment sa isa't isa kaya nanatili nalang ako sa isang tabi pero natutuwa ako kasi hindi mo sila pinapansin, yun pala type mo rin ako. Hehe XD"



(*O*)- Ako. Nganga..!


"So, you mean gusto mo rin ako?"  tanong ko sa kanya



"Hindi. Hindi kita gusto."


Pinanghinaan ako sa mga narinig ko. hindi masakit mag expect. mas masakit ang mag assume.
Haha.!! ang kapal ko naman kasing mag assume eh..! Ang tanga ko..! nararamadaman kong may tutulong luha sa akin kasi nanlalabo na yung paningin ko.





"Hindi kita gusto, 










MAHAL KITA."

Para akong nabingi sa lahat ng narinig ko. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong gawin. Bumalik lahat ng naiipon na luha sa mata ko. Naramdaman ko na naman na para akong natatae na sumasakit ang tiyan na parang ewan kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.


"Alam mo ba yung sinasabai nilang signs?"


Ano daw?


"Signs?"


"Oo signs, kasi dati, hanap ako ng hanap sa taong makapag papasaya sa akin pero napagod na rin ako. Kaya naisipan ko nalang na gumawa ng signs. Yung unang sign na ginawa ko ay yung una at pinaka bagong taong makikita o at makapag papagaan ng pakiramdam ko. Natandaan mo pa nung nag transfer ka sa school natin? Kasi nag away yung parents ko nun  kaya sobrang kungkot ko, pero nung nakita kita, ewan ko ba kung bakit parang bigla akong sumigla tapos mas naging comfortaable ang araw ko. Naisip ko baka ayun na yung unang sign kaya naisipan ko na ring gumawa kaagad ng pangalawa, ang pangalawang sign na hinigi ko is yung unang taong babasa at maghihilamos ng mukha ko. Siguro naman natatanadaan mo pa yung time na natapunan ako ng paminta sa mata? Tapos bigla amo akong hinila papasok sa CR tapos hinilamusan mo ako. Habang ginagawa mo yun halos makipag karera na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Naisip ko lang na iyon na yung pangalawang sign nung umuwi ako ng bahay kaya sobrang saya ko nun. Tapos yung pangatlong sign naman is yan rose na hawak mo." napatingin naman ako sa rose ns hawak ko.


"Itong rose?? paano?"


"Kasi yung totoo niyan, yung batang makulit kanina, kapatid ko yun. Pinilit ko kasi siyang isama dito sa school natin tapos sabi ko, kung sino man yung unang tanong makikita niyang madadapa o kaya naman matutumba, ibigay niya agad agad yung rose tapos wag na wag niyang sasabihin na ako ang nagpapabigay kaya hindi mo siya naabutan. Sa tingin ko, sapat na yung mga dahilan na yun para itigil ko na yung pag asa ko sa mga signs sa paghahanap ko. Kasi i've already found you."


"Huwag kang aalis dito ahh, may kukunin lang ako saglit."

 I just nodded in response After 2 minutes he came back with a guitar. He just smiled at me and he started strumming it.

"Angelica, Listen carefully. this song is for you ^____<



Huwag kang matakot
'Di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi
'Di kita pababayaan kailan man
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita


hindi talaga maipagkakaikala na magaling kumanta si JM. Habulin na nga ng chiks ehh balak pa akong patayin sa kilig. Nakatitig lang siya sa akin habang patuloy siyang kumakanta. I can feel that his black orbs eyes we're absorbing me. Ewan..! Cloud nine ang feeling!


CHORUS:
Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot
Dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pag-ibig
Na hawak mo sa iyong kamay
Ikaw ang Diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo

Nakakatuwang isipin na hindi lang pala one-sided love ang nararamdaman ko. Kailangan lang pala ng konting kembot at tenen..! nagkaroon ng isang walang katulad at shocking na confession. Totoo nga ang sinasabi nila. Masarap at Masakit. Yan ang mararamdaman mo pag umibig ka. Hindi naman sila pwedeng magkahiwalay ehh, hindi magkakaroon ng balanse ang pagmamahalan kung wala ang dalawang M na yan.



Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na magmukhang tanga
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot sa hindi mo pa makita
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot
Aahhhah
Huwag kang matakot na matulog mag-isa
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha
Kasama mo naman ako
Huwag kang matakot

Huwag kang matakot (huwag kang matakot)
'Di kita pababayaan kailan man


Oo, hinding hindi ako matatakot na mahulog sa isang tulad mo na kayang kaya naman akong saluhin kahit na isang kamay lang ang gamitin. You make me feel safe everytime that you come near me. You can make me happy by just smiling infront of me. You can make my day complete by just saying my name and you're the only one who can make my heartbeat fast like what i'm feeling right now.




After niyang kumanta ay pinatayo niya ako tapos naglabas siya ng tatlong piraso pa ng rose. San galing yun?? O____O ano ba..! it's not that what's important..! angelica Behave..!




''So, Angelica Bautista Custodio. Matagal ko na tong nararamdaman ehh, ewan ko ba kung bakit sayo natotorpe ako..! hindi ko alam kung ano bang ginawa mo sakin..! ginayuma mo ba ako?? pero sabagay hindi mo na kailangan gawin pa yun kasi naman ang ganda ganda mo, matalino ka pa, mabait at higit sa lahat, mahal na mahal kita. So, Will you be, my girl??''


''Huh??! Teka lang..! wait..! wala bang ligawan? ehh..! ligawan mo muna ako..!"  haha..! demanding..!


"Huh?? kailangan pa ba yun?? ehh mahal mo rin naman ako eh.! wag na please?"


''Ahh..! bahala ka nga kung ayaw mo..!"


"Hindi..! oo nga..! sige..! maghanda ka..! cause i'll make you even crazy for me..!"


"Haha..! o sige, sinasagot na kita. I will be your girl."


O_________O -siya


"T-teka??....t-tayo na??"


"Hahaha.. oo kaya tumayo ka na diyan kung ayaw mong bawiin ko yung sinabi ko. 1,2,3"


"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa..! ano ka ba JM..! ibaba mo nga akong..! ang dami daming tao dito ohh..!"


"Huwag mo silang intindihin..! tayo ang mahalaga. Mahal na mahal talaga kita..! I love you..!"



"Haha..! oo na I LOVE YOU TOO NA RIN..!"






Sa love, maraming pwedeng mangyari, maraming pwede masaktan at maraming pwedeng mahirapan. pero kung isusugal mo at ipagkakatiwala mo ang puso mo sa taong karapat dapat, Malalaman mo ang tunay na ibig sabihin ng salitang pag ibig. Just alaways remember that sometimes, the one who we really love is the onw who's just infront of us. iba iba ang paraan ng tao para malaman ang tunay na kahulugan ng love. pero ako, masaya ako at thankful sa mga signs. Mga signs na hindi mo alam na siyang tutulong sa iyo para maramdaman na hindi mo kailangan itago kung ano man ang nararamdaman mo as long na alam mong hindi ka naman makaksakit at alam mong nagmamahal ka. 'LOVE SIGNS'

No comments:

Post a Comment